Saturday, October 27, 2007

may isang nag salita

....Dinala mo ako sa isang mundong pinapangarap ko, isang mundong atin lang. Ah, ang sarap pakinggan: “tayong dalawa” at “atin lang.”


Ngayon ko lang susubukan gawin ito
Nahihiya, naiilang ako…
Pero wala naman sigurong mawawala
Kung maglalakas-loob at kikilalanin ka…

Ngayong nakilala ko ang isang tulad mo
Natutuwa, nagagalak ako…
Pero sana, ‘di masayang ang ating simula
Ayokong lahat ay mauwi sa wala…

Pero may mga taong walang ibang hilig kundi mangarap
Kaya may mga pangarap na nananatiling mga pangarap…

Ngayon, naiisip ko ang bagay na ito
Nakokonsensiya, nalulungkot ako…
Walang “atin lang” at “tayong dalawa”
Dahil tanging ako ang naging masaya…

-roni_bats-

0 Comments:

Post a Comment

<< Home