Thursday, January 08, 2009

journey to paradise day3

3rd day na... i still dont feel well after ng mahaba habang lakaran kahapon.. pero keri lang dami pa rin dapat puntahan today...

first stop: Langkawi cable car

Waaaaw!!! ang taas naman nung cable car. mga tanghali kami nakarating dun kaya tirik na tirik pa ang araw. dun na rin kami nag brunch. gusto ko pa rin matikman ulit un kape na katulad kahapon kaya kape ulit inorder ko kasama ng food. but sad to say matabang un kape nila, amf! chinese fried rice sakin si mico naman ay chiken and rice lang. nag libot libot kami muna bago nag sakay dun sa cable car. nakoo!!! mga unggoy nanaman! hehe dami naman nila. punta kami dun sa may pen na maraming rabbit.. ang kukuyt nila!! hehe lambot ng buhok kaso mabantot! hmf! hehe

ayun kahit tirk ang araw pichure pichure kami dun sa may bridge. ay! sobra na na sa tan, tama na!! hekhek.

nakapunta na sila lisa dito eh kaya nd na sila nag cable car. kami nilang daw at sila maglilibot sa mga store dito.

25rm ang bayad at and pila, parang rio grande sa enchanted kingdom. hehe ok lang maganda naman ang view. daming magagandang babae, at meron ilang, ahem! goodlooking guys sa paligid. nakakatawa pa, meron dun kamukha ni pining! alam ko ilan lang kau nakaka kilala sa kanya.. pero tlga pramis tlgang kamukha nya. matanggad lang ng konti at sempre kalbo din. hehehe.. kasunod kami sa pila ng isang german family yta un. Lima sila lahat mag kakapatid at lahat sila infairness and ganda!! hehe. after ng almost one hour na pag hihintay eto na!!! excited na ako sumakay sa cable car!

nggiiiii!!! baket ganito ang taas na? takot na ako... hehe sobrang taas nakakalula din pla dun. tho mukhang safe naman tlgang bumabaligtad lang un sikmura ako. wala nga akong pichure na maayos dito eh. hehe

hayz. first stop. ang lamig! parang baguio. tas mahangin.. konting picure taking at next stop na ulit. mataas pa rin un babaybayin namin,

takot ulit ako..kasi mas mataas na ito at may dinadaanan pang pang lubak sa taas. anu ba un! sa wakas nasa tuktok na kami ng bundok. mas malamig dito at mas mahangin. akyat pa ulit. nako.. may bridge dun at mukhang bababa pa kami. tsk tsk. nd pa nga naka recover un paa ko sa ginawa namin kahapon. hayz.

ayun pichure muna sa tass. ang ganda ng view mga bundok, kita un tabing dagat at ocean, kita mo rin un may talon. ok na kami sa taas at eto na ang iniiwasan ko. bababa kami dun sa bridge. hayz, kaya kahit masakit na paa ko go pa rin! kanina nung nasa peak kami, nasa 700m above sea level kami. sa bridge siguro nasa 500m nalang. so na imagine nyo kung ganun kataas un pag aakyat na kami.

nakasalubong pla namin sa pining sa bridge. hehe, ang bilis nya mag stroll eh. nauna pa sya sa amin samantalang sa pila layo ng distansya nya. hekhek

ayun. parehas lang un view dito sa bridge mejo mas may insight ka lang sa gubat. mejo pagod na tlga ako (cnxa na sa reklamo kasi pagod na tlga ako nun) umupo muna ako nag tingin ng bujet namin. nag txt sila lek at sabi nila pupunta daw sila sa 7 wells.

sabi namin na wait na nila kami dun sa bababa na kami. (salamat!)

pag baba namin, na realize na mico na wala syang pichure sa cable car. kasi sya ng camera man at masyado naman akong takot para maalala ko sya pichuran. sayang!

taxi kami papunta sa 7 wells. ang bilis, lapit lang pala eh. nakupo! pataas nanaman un daanan! ayoko na!!! waah!!!! balak ko na tlga mag paiwan sa baba kasi maliwanang na bundok nanaman un pinuntahan namin na kailangan akyatin.

pero sayang naman un pinunta namin dun. buti nalang ang mahaba pasensya sa akin nila at napilit nila ako umakyat ulit.

pag dating dun, falls pala un na may ilog. un ung falls na kita namin mula dun sa cable car. naligo si gracey at pichure pichure ulit. may nakilala kami mga pinoy din. nag wowork sila sa mga yatch at hotel. sosyal! hehe. tapos nun uwian na. e wala palang taxi dun pauwi kasi mejo late na kami bumaba. naglakad tuloy kami. (kelan kaya matatapos itong lakaran na ito?!) ganda ng road walang sasakyan at un pichure nanaman!!! hehehe

hangang sa nakarating na ulit kami sa cable car at dun kami sumakay ng taxi pauwi.

pag dating sa cottage nag yaya si mico mag swimming sa beach. mejo palubog pa lang un araw nun kaya pwede pa... haaay! sarap maligo parang nawala un pagod ko.

tapos namin mag pahinga ng konti at mag banlaw nag yaya na sila kumain. mejo nwawalan na kami ng choice kasi puro sea food nalang. sabi nila mag italian resto daw.

tingin kami menu at pizza at pasta lang andun so sabi ko kay mico sa iba nalang kami kumain, at nauwi ulit kami sa seafood. grabe! tagal namin nag lakad (ulit) muntik na kami makarating dun sa kinainan namin nung bisperas. may nakita kami pero mukhang di masrap at bumalik ulit kami dun sa malapit nalang sa cottage.

sa sobrang pagod, dami namin nakain. isda, pusit at lala (tulya) na inihaw at 6 na rice! haha kala mo last supper lang.. pag ka uwi, kwentuhan lang tas tulog na ulit.

nahuli nyo na ba kung sinu un malakas mag hilik kagabi? eh sinu un nag sasagutan? parang nag duduet lang.. hehehe

0 Comments:

Post a Comment

<< Home