Thursday, January 08, 2009

journey to paradise, day 2

January 1, 2009

Pagkagising, ligi na agad at meron kaming island hopping ngaun! mejo na late na kami nagising kaya madali sa pag ligo at humabol pa ng almusal.

Habang nag aalmusal, feel na feel ko pa naman un kape nila.. eh bigla tumawag sila lisa at un sundo daw namin eh nandyan na. sayang naman.. tho nainum ko un kape pero parang nd ko ko sya na enjoy..

Anywayz. un so anjan na un van.. at dinala nya kami dun sa lugar kung saan un mga bangka ay naka park.

sakay na!! well, nung lumusong ako sa dagat para sumakay sa bangka, mejo weird un feeling kasi halos puro grasa na yta un tubig dun sa pangpang.. madulas.. eww!! (conio! hehe)

OK la! andar na un bangka at exciting ito! malinaw din un tubig nung mejo naka layo na kami, mejo lakas un alon kaya nd kami msyado nakapag pichure pichure. meron kaming hinintuan na parang sabi nila something na "pregnant lady mountain" daw un pangalan.. hehe (nd ko na matandaan un excat name) saglit lang kami dun kaya walang pichure.. naka supot kasi un camera ni mico at di pwede ma basa. may isang kakatwang quote ba "sorry i dont listen". Si ate, puti sya, maganda, may dating kasama nya un jowa nya na mukhang bading yta... nung nag papaliwanag si kuya kung anung meron dun sa pregnant lady chorva, pinaulit nya kasi daw "i dont listen" hekhek (wala lang) hihihih

un lang... ang ganda dun sa dagat.. kasi napaplibutan sya ng mga bundok.. para bang the beach ni leonardo dicaprio. tpos unang destination namin un isang isla nakalimutan ko na ulit un name eh.. pero mukhang exciting din dito.

mataas un lugar kaya mejo treking kunyari ang trip namin. sa bungad pa lang kay daming unggoy na nagkalat! sabi nila wag ka daw mag bibibitbit ng plastic bag dito kungdi haharasin ka ng mga unggoy na dun. hala! and taas nung lugar, akyat dito, mejo bababa, tas aakyat nanaman.. tapos un huli lake na.

dun sa may lake andun daw un mga isda na nag lilinis ng paa. pero nung dumating kami, busog yta sila at natutulog kasi nd ko sila makita hehehe... tapos banda duon pwede ka mag sun bathing at maglublob na rin sa tubig kung gusto mo. kaso malalim! kaya wak nalang no! hehe. un nag picture taking ulit at ang malas na si gracey nalaglag un shades nya dun sa m ay lake. pag yuko nya para silipin un tubig nauna pa sa knya mag dive. eh malalim un at walang marunong lumangoy sa amin.. kaya un.. goodbye shades.

pagbalik, nako, akyat baba nanaman grabe na ito! mukhang nabawasn na un timbang ka kaka treking na ito.. hekhek. tapos punta kami dun sa spot kung saan maraming eagle at pinapakain nila ng mga laman ng manok. then punta kami dun sa final na isla kung saan kami nag swimming. na excite mag swimming eh, isang oras lang kami dun kya wala munang pichure. dive na kung dive!! hehehehe.. meron din nag papaparasailing at banana boat kaso mahal! sa batu feringghi nalang kami mag gaganun..

pag balik namin dun sa parking shore nung mga bangka, aba may pinagkaka guluhan mga tao! anu kya un? ayy!! uso din pala dito yan. si kuya kanina nag pipichure pala sa amin nung dumating kami at nilagay nya ang pichure sa may plato na may nakalagay "langkawi island hopping" hehe ang saya! binili namin sa halagang 10rm isa. ang yaman ni kuya! hehe

pagdating sa cottage naligo na si gracey at nag iintay kami. habang nag iintay pictorial kami ni mico sa may hallway.. "babae sa koridor" and tema.

tapos maligo nag lunch sa oras na 3.00p. seafood ulit, masarap naman. inihaw na pusit sa akin, inihaw na pagi kay mico kila lisa parang sweet n sour na fish. chibig na ito!! hehehe

tapos nun punta kami ng "underwater world" daming isda at mga animals. waaaaw!!! meron flamingo! ngaun lang ako naka kita ng ganito sa totoong buhay. hekhek. dami pang ibat' ibang klaseng mga isda at hayop. mula sa pinaka maliit hanggan pinaka malaki. may 3D theater pa, nako sumakit lang ulo ko sa knya! heheh.. ok pa sana.. kaso siguro sa sobrang pagod ko dun sa islang hopping unti unti na akong nalolobat. tapos nun nako lalong lumalala un pakiramdam ko feel ko mag kakasakit na ako. hayz.

pagdating sa bahay wala na tlga nilalagnat na ako. nagising ako ng madaling araw kasi nd ako makahinga sa sipon. bingyan ako ni mico ng gamot at pinainum din ako ni gracey ng fern-c nya. sayang naman ang bakasyon kung magkakasakit lang diba..

at un hulihan ulit kung sinung nag hihilik!! kasi lahat kami pagod.. sinu kaya pinaka malakas?! hehehehe

0 Comments:

Post a Comment

<< Home